Gusto Kita Poem

"GUSTO KITA"

(photo ccto)

Siyam na letra, dalawang salita
Ngunit tila'y bakit napakahirap sabihin kapag nariyan kana
Hindi ko alam kong dapat ko pa bang bangitin
Pero saglit, ako sana'y iyong dingin.

Hindi ko makalimutan ang mga ngiti mo nung unag araw kitang nakita,
Noong una kitang nakita sabi ko sa sarili ko.. Pwede.. Pwedeng mahalin
Ikaw yong tipo ng taong dapat iniingatan at pinaglalaban,
Mundo man ang kalaban

Sana'y malaman mong gusto kita,
Sana'y malaman mo na sa tuwing nagtatagpo ang ating mga mata maramdaman mong gusto kita
Nahihiya akong umamin at sabihing gusto kita,
Kaya heto idaraan ko nalang sa tula

Gusto kita, gustong gusto kita
Sigurado akong maraming umaangkin sayong iba
Pero sana'y maniwala ka
At wala akong ibang magagawa kahit hindi ko kaya,
Kakayanin ko kasi gusto kita

Gusto kita ngunit ikaw ay nasa taas at heto ako
Pero dahil gusto kita, magpupursige ako
Para maabot ko ang pangarap kong Ikaw.
Dahil gusto kita.

Comments

Popular posts from this blog

School library